Siloy: “Masakit po.”

Ploning: “Masakit kasi nagmahal ka. At natapos itong hindi ka handa. Sa natatapos na pag-iibigan, may isang mas nasasaktan. Hindi ba mas masarap na isipin na kaya ikaw ang mas nasasaktan dahil ikaw ang mas nagmamahal? Ang galit at sakit sa puso madaling mabura ng panahon. Ang mga natutunan sa bawat pagmamahal ‘wag mong bayaang kumupas. ‘Yon ang magiging dahilan kung bakit palagi mong lilingunin ang natapos na pagmamahal nang may ngiti sa puso. May dahilan ang lahat.”

***
Celeste: “Kung nagmamahal ka, hindi mo naman kasama araw-araw at hindi ka rin sigurado kung babalikan ka, anong tawag d’on?”

Ploning: “Nagmamahal. Kasi ang nagmamahal, nagtitiwala.”

Celeste: “Kahit nasasaktan ka na?”

Nieves: “Ako, naniniwala na ang nagmamahal ay nasasaktan. ‘Pag hindi ka na nasasaktan, aba’y matakot ka. Baka hindi ka na nagmamahal.”

Celeste: “Basta ako, hindi na ako papayag na masaktan muli dahil lang nagmahal ako.”

Ploning: “Edi parang mo na ring sinabing hindi mo na papayagan ang sarili mong magmahal ulit.”

***
Ploning: “Sigurado ka na ba diyan sa gagawin mo? Lundag sa bangin ‘yan.”

Celeste: “Dalawa lang naman ang maaaring mangyari sa taong lumulundag na may tiwala sa Diyos e – sinasalo Niya o tinuturuan Niyang lumipad.”